📰 Timbog sa Indonesia: Alice Guo palit-ulo sa drug kingpin
Naaresto na si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Indonesia, ayon sa Department of Justice (DOJ) nitong Miyerkoles.
Sa isang statement, kinumpirma ng DOJ na si Guo ay nasakote sa Tangerang City, Jakarta.
Base sa nakuhang impormasyon sa ahensiya mula kay Senior Superintendent Audie Latuheru ng Indo-nesian police, nahuli si Guo dakong ala-1:30 nang madaling-araw nitong Miyerkoles, September 4.
“This development has been verified by our counterparts in Immigration, who have confirmed that Ms. Guo is currently in the custody of the Indonesian police at Jatanras Mabes Polri,” ayon sa statement.
Gayunman, hindi agad maibabalik sa Pi¬lipinas si Guo dahil may hinihinging kapalit na preso ang Indone-sia, ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ito ay si Australian drug kingpin Gregor Johan Haas na nadakip at nakulong sa Cebu nitong Mayo mata-pos ang isinagawang international manhunt operation dahil sa criminal complaint na isinampa sa kanya ng mga awtoridad sa Indonesia.
Naunang sinabi ni Remulla na hindi ganu’n kadali ang pagpapabalik kay Guo sa Pilipinas kumpara noong nahuli rin sa Indonesia sina Shiela Guo at Cassandra Li Ong.