Source: Remate Online: TIGNAN: Mugshot ni Alice Guo

MANILA, Philippines – Inilabas ng Philippine National Police ang mugshots ng naarestong dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Nitong Biyernes ng madaling araw, Setyembre 6, nang maiuwi sa Pilipinas si Guo matapos na maaresto sa Indonesia ng local police doon.

Nahaharap si Guo sa iba’t ibang reklamo kabilang na lang ng reklamo ng human trafficking kaugnay sa illegal na POGO sa Department of Justice. Sinabi rin ng Bureau of Immigration ay nahaharap din sa mga kaso ng undesirability at misrepresentation sa ilalim ng Philippine immigration laws, at maging sa 87 counts ng money laundering. RNT