Welcome to the RD thread!

This is a place for casual random chat and discussion.

A reminder for everyone to always follow the community rules and observe the Code of Conduct.

Image

“So, here you are. Too foreign for home, too foreign for here. Never enough for both.” ― Ijeoma Umebinyuo

Mobile apps:

Quick tips:

Footnotes:

  • Daily pixel art courtesy of adroitcell
  • Report inappropriate comments and violators
  • Message the moderation team for any issues
  • inthemiddle
    link
    English
    61 year ago

    been thinking of completely deleting my reddit account but as a sentimental person, i’m having a hard time letting go hahahuhu

    • Dr. B
      link
      English
      61 year ago

      I deleted mine already I have a proof but sadly I can’t upload it here

      • inthemiddle
        link
        English
        5
        edit-2
        1 year ago

        bahaha no need, i just need the same energy you had to get rid of it hmppp

    • megane-kun
      link
      English
      61 year ago

      Ganyan din ako nung una, pero nalusaw ng inis at galit ang pagka-sentimental ko sa Reddit.

      • inthemiddle
        link
        English
        51 year ago

        saan galing yung inis at galit? was it from the poll and the commenters… or a complete different reason? chz i need this energy to get rid of it too aaa

        • megane-kun
          link
          English
          8
          edit-2
          1 year ago

          Nung una, slight lang na inis dahil sa mag-sasara na yung RIF na gamit ko pang-browse ng Reddit sa mobile. Tapos sumabay yung RES na gamit ko naman kasama ng old.reddit.com pam-browse naman sa desktop.

          Saka ko nalaman kung bakit magsasara ang RIF at RES. Lumaki ang inis ko, pero keri lang na inis. Sa punto na ito, naghanap na ako ng malilipatan. Kung sakaling maging mas malala ang lagay sa Reddit, may mapag-tatambayan ako.

          Tapos nasaksihan ko ang pang-gagago ni Steve Huffman, o kilala sa alyas na /u/Spez sa kanyang AMA. Lubhang nakakamuhi ang kanyang naging asal. Wala man lang sinagot sa mga naitanong sa kanya, bagkus ay lalo niyang pinanindigan ang kanyang mga kasinungalingan.

          Sa puntong ito, tuluyan ko nang napag-desisiyonan na lumisan sa Reddit. May konting kurot pa rin ng ala-ala, pero napag-tanto kong wala nang saysay na manatili ako duon. Pinakita nya na ang turing niya at ng Reddit sa atin ay walang pinag-iba sa lupa na maaring pag-hugutan ng ginto. Kung naubos na ang ginto, iiwan na lang na nakatiwangwang.

          Tapos nangyari na nga ang Blackout.

          Gusto ko pa sanang i-archive ang mga posts ko (na di naman lubhang karamihan) pati yung context ng bawat comment na ginawa ko duon.

          Tapos nabasa ko ang iba’t-ibang mga panayam kay Steve Huffman at ang kanyang naging pananaw sa malawakang pag-aaklas. Kanyang hinamak at minaliit hindi lang ang protesta, kundi pati ang mga kaanib nito. Dito na ako nag-umpisang makaramdam ng galit.

          Sa puntong ito, masaya na ako kung ma-archive ko ang mga posts at comments ko. Kahit yun na lang, okay na. (Power Delete Suite can do this just fine, if you’re wondering.)

          Sapat na iyon upang umpsahan kong linisin at burahin ang aking mga posts at comment.

          Subalit tulad ng Home TV Shopping, but wait, there’s more! Nagkaroon ng mga bali-balitang pinepwersa ng mga admin ng Reddit ang mga subreddit mods na kaanib at patuloy sa kanilang blackout na buksan ang kanilang mga subreddit, at kung hindi ay papalitan sila, at marami daw na handang pumalit sa kanila (sa mga mods).

          Kung hindi pa sapat ang mga nabanggit ko na, nagkaroon rin ng mga bali-balitang ni-rerevert ng Reddit ang mga nabura na mga comments at posts. Sa puntong ito, putang ina, buburahin at buburahin ko ang aking mga posts at comments hanggang sa hindi ko na kaya!

          Putang ina mo Steve Huffman, isa kang ganid at masibang baboy!

          Hingang malalim.

          Okay, sorry for the rant and the wall of text. I admit I got a little bit into it.